
I know this is kinda a very personal message but it’s okay. Magtatapos na naman ang high school days kaya okay na rin ‘to. Followers na may kilala sa kanya SSSHHH! lang ha. Kunwari wala kayong nabasa. Thank you!
Dear ..o,
You wanna hear my real thoughts? Well Listen.
The night that we danced in the middle of the gym where cameras were continuously shuttering and everyone is staring at the two of us was the best night I could remember. I still remember when “Beautiful in my eyes” suddenly pop out out if no then I said “Aww” with tone of a mixture of endearment and dismay. I remembered the first and only day you gave me flowers on the debut theme birthday party for our third year adviser Ms. Demetria Malana. I felt happiness with a hint of anxiety back then and was unsure of what I really felt for you, so the easiest escape for me was pretending. Pretending that I don’t like what you’re doing, that I’m angered by the constant “Pang-aasar” by our classmates, and that I dislike you.
Anyway, going back to the moment you danced with me. The conversation we had. I was dismayed of what you had said to me that night. It was like being dumped for the nth time now. But like what I have said, I can settle for that. Maybe it is better for us to be friends and I wish that that friendship, like my love for you, will remain forever.
But before we go on our separate ways, I just want you to read this for my own satisfaction in life. I’m not asking for a reply (like whenever I randomly text you). I just want you to know somethings, things that I wished you have known a lot earlier.
Nano-nosebleed na ako. Tagalog na lang ha?
Una sa lahat,
Thank you kasi nakilala kita. Thank you na naging kaibigan kita. Actually, thank God nga na nagkita tayo eh. Thank you kasi napasaya mo ako. Ewan ko ha, pero pagtinititigan kita… nawawala ako. HAHA :) Thank you for coming into my life (wew, corny ko ‘no). Ewan ko ba kung bakit ganito akong tao, mahilig gumawa ng letter, ng blog post, at ng kung ano anong kadramahan. Ewan ko din kung ganyan lang ba talaga ako, o kung sayo lang ako ganyan. Eh basta, ewan ko ba!
Thank you na kahit ganito ako, alam mo na. Isang PM mo lang sa FB tuwang tuwa na ako. Grabe, ang adik ko sayo ‘no? Okay lang. lilipas din naman ‘to.
Ang gusto ko lang talaga mangyari is maging good friends parin tayo or maybe more than friends… As best friends. Basta ayokong mawala yung friendship natin. Kahit na lagi mo akong pinagtritripan, lagi mo na lang ako ginugulo kapag natutulog ako sa desk ni Jericho, lagi mong binabangga si Jics tuwing prayer para mabangga niya ako, lagi mo pinagdidiskitahan yung mga pictures ko sa notebook at sa bag, lagi mo na lang ako inaasar (rather, nauuna ka pa nga minsan) kay B. Lagi ka na lang kapal muks kapag sinasabi mong nagseselos ako. Lagi kang galit sakin at hindi ko naman alam kung bakit.
Sa lahat ng mga laging yun, gusto ko lagi mong tatandaan na ako parin ‘to. Si Laire parin ‘to na lagi mong kachat sa Y!M. Lagi mong kapuyatan sa Facebook. Lagi mong sinasabihang maganda dati. Lagi mong sinasabihan ng ILY… ILusYonada. =))
Pero seryoso, salamat sa pagiging kaibigan para sa akin. lagi kang nandyan para sa akin. Kapag wala akong kausap, isang PM ko lang sayo sa FB magrereply ka kaagad tapos CHING! may kausap na ako. Thank you kasi pinagtya-tyagaan mo akong kausapin sa tuwing malungkot ako. Siguro kung hindi mo ako kinakausap noon, baliw na siguro ako ngayon. Kinailangan ko ng taong kakausap sakin kapag may problema ako, kapag masaya ako, kapag naguguluhan ako, kapag may kailangan ako at salamat sa Diyos na binigay ka niya sa akin. Napaka-thankful ko doon.
Nakahanap ako ng katapat sayo. Self proclaimed na magaling ako sa English, pero pag sinimulan mo nang mag-english nawawala na ako sa sarili. SERYOSO.
I’m afraid this is goodbye.
So long my dearest KUYA.


Ang aga aga kong gumising para lang ma-plantsa yung buhok ko kasi isang special day ito para sa aming mga graduating students. Kailangan daw kasi maayos yung mga itsura namin kasi haharap daw kami kay God kaya dapat super presentable namin sa kanya. Nagpa-gupit pa nga yung mga boys namin sa room kasi papagalitan sila kapag mahaba yung buhok nila.

Naglakad kami from school to San Roque Church. Malapit lang naman yung school namin kaya doon kami nag-mass. Naglakad ako with Cedlyn at with matching payong pa. First time ko sa church na yun at nagandahan naman ako doon sa mismong structure. Ang laki nung altar tapos madami pang seating kaso aalog-alog kami dun kasi 100+ lang kaming nandoon.

TLC. Ayan, kami yung magkatabi sa upuan. Siyempre, bago mag-mass, todo asaran kaming tatlo. Noong una, inaasar namin si Kristia (right most) kay Cedric (Mamaya ituturo ko) kasi sila yung magkatabi. Lalo namin silang sinisiksik kasi nakakatuwa yung mga reaksyon nila.

Ayan, kaming lima yung nagkukulitan sa church. Si Cedric (yung katabi ni Cedlyn) at saka si Raymond (yung katabi ni Cedric na crush naman ni Cedlyn) yung dalawang pilyong kinukulit din kaming tatlo. Gusto akong gantihan ni Raymond kasi pinagtabi ko sila ni Cedlyn nung una. Ang ginawa niya, tinago niya yung bag… NI CEDLYN. HAHA. Hindi niya kasi alam na hindi ko bag yun kaya yun yung tinago niya. Ayun, sobrang laughtreep.

Pasimula na yung mass niyan eh. Hindi ba nakakainis yung magpipicture ka kasama yung bestfriend mo tapos may mga taong sisingit na akala kasama sa picture? Nakakaasar sobra! Pero, sabi nga ni Father bago magcommunion, dapat daw makipag-“peace be with you” ka sa mga taong gusto mong i-peace be with you kung ayaw mo magsisi habang buhay. At feeling ko magsisisi nga ako.
Btw, eto pala yung mga naaalala ko sa homily ni father
- Matuto tayong maghintay
Kung para sa atin ang isang bagay, makukuha natin kahit na anong mangyari kasi kung dapat mangyari yan ay nakay God na ang desisyon. Kailangan lang nating paniwalaan na pinakamabisa ang lahat ng kanyang plano - Maghirap bago Magpasarap > Magpasarap bago Maghirap
Mas mabuting magsikap ka munang mag-aral nang sa ganun ay mas maganda ang kinabukasan mo kesa magpatumpik-tumpik ka ngayon at hindi na alam kung saan pupulutin pagdating ng panahon. Mas gugustuhin mo pang maghirap ngayong nag-aaral ka kesa hindi ka nga maghirap pero buong buhay mo namang pagsisisihan yung magpapasarap mo habang nag-aaral ka - Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay
May kaklase daw si Father dati na siya yung pinakamahirap sa klase nila noon. Ngayon, doktor na daw na nagtapos sa UP. Hindi talaga natin alam ang magiging kinabukasan natin, ang Panginoon lang. AT ito ang favorite quote ko: “Hindi kasalanan ang ipanganak kang mahirap, ang kasalanan ay ang mamatay kang mahirap” - Dahil hindi ka nagsikap upang umahon sa buhay. - Enjoyin ang pagka-single
Basta magpakasarap ka muna. Hindi porket single ka hindi ka na masaya. Dapat sulitin mo kasi sandali ka lang magiging single. Kapag nag-asawa ka na, till death do us part na yan. Magsasawa ka din sa asawa mo balang araw kaya magpakasawa ka muna sa sarili mo. At hindi mo maibibigay ang buong buo mo sa taong mahal mo kung hindi mo ibinibigay ang sarili mo sa iyo. Tanong mo, paano kung malagpasan mo yung chance na mapakasalan ang taong gusto/mahal mo. Ang sagot naman diyan ay KUNG MAHAL KA TALAGA NIYA AY KAYA NIYANG MAGHINTAY.

PA-LANDI LANG! :)
Nanonood akong Tween Academy.
Tapos, yung mga bida dun sa chat pala nagkakilala.
Magkaklase sila pero sa chat lang sila nagkakausap
Excited sila umuwi galing school kasi makakausap nila yung isa’t isa sa Y!M
Ang shit lang, Naalala ko kami.

Don’t leave me. I’m lost without you :’(
Hindi magiging madali para sakin kapag iniwan mo na ako. Masayado akong maraming bagay na mamimiss. Mamimiss ko yung presensya mo. Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko. Mamimiss ko yung amoy mo na alam na alam ko kapag malapit ka sakin. Mamimiss ko yung boses mong napaka-ganda kapag kumakanta. First line pa lang nung song alam kong ikaw na yung kumakanta. Mamimiss ko lahat ng pangungulit mo sa akin. Yung pag-galaw mo ng upuan tuwing natutulog ako. Yung pangangalabit sakin na akala mo hindi ko alam na ikaw yung kumakalabit sakin. Yung mga pang-gugulo mo sakin habang nakapikit ako at nagdarasal. Yung mga pasimple mong pagbangga sa katabi ko para mabangga din ako. Yung mga pagbabato mo ng mga bagay bagay sa mukha ko. Yung pagsusulat mo ng “toot” is <3 sa kaliwang wrist ko na G-tech pa ang gamit. Yung mga pang-aasar mo sakin kay “toot” (asus, pero sa totoo nagseselos lang). At yung marami pang alaalang maiiwan mo sakin sa ating pagtatapos ng hayskul.
Ayun, mamimiss lang kita. Sobra.
Kung may Nursing lang sa UPLB eh.
:”»>
- Titignan ko lang siya sandali, kikiligin na ako
- Marinig ko lang yung boses niya, tuwang tuwa na ako
- Mag-smile lang siya, pwede na akong mamatay
- Isang reply lang niya, kahit hindi ko pa alam yung laman, nagtatatalon na ako sa tuwa
- Bawat chat sound sa facebook ko, winiwish ko na siya yung nag-reply
- Maghihintay ako ng buong araw para makausap lang siya saglit
- Paulit ulit kong binabasa yung mga messages niya kahit memorize ko na ang mga ito
- Masaya na ako na tumawag siya sakin para mag-goodnight
- Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya naiisip, nakikita o nakakausap
- Marinig ko lang yung pangalan niya, madami ng bagay na ang pumapasok sa utak ko
- Kahit ipagtabuyan na niya ako, andyan parin ako para sa kanya
- Kahit sinabi niyang magkaibigan na lang kami, pinipilit kong maging masaya basta nandyan lang siya
- Siya at siya lang ang sasapat para sakin
- At kahit na ilang beses na niya akong nasaktan at napaiyak, hindi parin niya ako napapasuko….
…Napapasukong mahalin siya
Sa mga post ko, hindi mo alam kung in love ba ako o emotional.
Minsan nagppost ako ng something na nagpapakita na mahal na mahal ko yung tao tapos minsan naman parang sinakluban na ako ng langit at lupa sa sobrang ka-emohan nung mga post ko.
Siguro, ganun din kasi sa real life. Hindi ko parin alam kung mahal ko parin siya o hindi na eh. Yung feeling na hindi mo na alam kung ipaglalaban mo pa siya o isusuko mo na yung laban.
Kaya lahat ng yan ay inaasa ko na lang sa poong may kapal. Hindi ko na kaya kaya sa kanya ko na lang inaasa.
Ang weird nung dream ko kaninang umaga. I’m not supposed to think about him at the moment pero something came straight to my head that made me dream about him.
I hardly know how the dream started but here’s what I remembered.
There’s a group work in our house and I was surprised that he came over. Of course, I don’t know what to do because my mom and brother will be meeting my crush and their suspected boyfriend of mine. I don’t know how the group work went but when it was finished all the other group mates went home but he remained. The next scene was, I was talking with my mom in an unfamiliar staircase. Then he approached me. My mom saw that he was heading our way so she went to her room instead.
When my mom was gone, he went beside me. Without a word he then grabs me then hugs me from behind. Being helpless, I just stood there and said “So, ano yan?” and he didn’t said anything.
The next thing I knew, I was in the classroom then he acted like nothing happened the day before that.
I don’t really understand my dream. Maybe something’s up. Let’s just find out and pray that It will be a help to our situation. I then realized how I love him so much.
L-O-V-E di ba?
Bakit sakin G-I-V-E ????
hahah. Tamang landi lang :)
Yaan yung bagay na kahit off cam na eh pinangangatawanan mo parin yung character mo dun sa isang scene na yun. In short, umaarte ka parin sa totoong buhay.
Hindi ko nga maintindihan yung naramdaman ko kanina eh. Hindi ko alam kung bakit siya masaya. Dahil ba sa nanalo sila o dahil nanood ako. AMPEELER ko talaga kahit kailan. Hindi ko maiwasan, mahal ko eh.
Kaso, hindi ko namagawa yung dati kong ginagawa. Kailangan kong pigilan kahit gaano ko na kagustong kausapin siya eh. Masakit man pero kailangan gawin. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ko kakayanin.
Gusto ko lang siguro i-test kung mahal pa niya talaga ako. Ah ewan. Naguluhan na din ako. Good night na nga!
Tonight is the night.
Last day na ng pagiging sweet ko sa kanya. Simula bukas, para na kaming total strangers. Hindi ko siya kakausapin, papansinin or whatsoever. Siguro magtatagal yun, probably hanggang graduation day. Ang sad ‘no?
Kagabi lang, inalala ko na ang lahat. Huling beses ko nang gagawin yun. Bagong buhay na ako. Isang buhay na wala siya. Kakayanin ko kaya yun? Hanggang kailan? Ito ba ang gustong mangyari ng mahal nating panginoon?
Naniniwala naman ako na kapag kayo, kayo talaga. Lahat ng problema ko sa kanya ibibigay ko na lang kay Lord. Hindi ko na kaya eh kaya siya na lang ang mamroblema. Sana masaya na siya.
goodbye :|
01/21/2012










