
Angry Birds Jersey
Nagpagawa kami ng jersey na angry birds. HAHA :))) Abnormal kasi yung tatay ko bakit yun yung ginawang logo.
Sana hindi magalit yung tito Henry ko.
Para kay lykachiang :) Btw, hindi ko pala alam kung bakit hindi kita finofollow. Baka Tumblr Bot.
Day 01- A recent picture of you and 15 interesting facts about yourself
- Kikay ako
- Marunong ako mag-guitar at mag-keyboard
- May koleksyon din ako ng mga stuff toys na ipinamana ko na kay Chloe Jeanne (My baby sister)
- SUPER BALBON AKO, pinaglihi na nga daw ako sa balot eh
- Favorite kong singer MILEY CYRUS
- Favorite kong astress JULIA MONTES
- PHOTOSHOPPER DIN AKO. HAHA (Gumagawa ng sariling term eh) at CS3 lang gamit ko.
- Madrama ako
- Lima na naging nobyo ko pero never akong nagseryoso (Sorry)
- I started drinking alcoholic drinks when I was only 11 years old
- I don’t smoke
- Sobrang dami kong damit pero hindi ako marunong manamit ng maayos
- Tatlo Cellphone ko atm, Isang Globe, Smart and Sun
- Sobrang arte ko sa pagkain
- Nagsasalita ako ng mag-isa kaya akala ng nanay ko baliw na ako. ACTUALLY, nagrereact lang naman ako dun sa mga pinapanood ko eh so lumalabas na kinakausap ko yung TV namin
Random Fact:
Sobrang hilig kong kumanta. Kapag may videoke hindi pwedeng hindi ako kakanta. Natatawa nga ako sabi ng mga kaklase ko Videoke Queen daw ako. TIP! Kapag kakanta kayo sa karaoke, sunod sunod kayo maglagay ng kanta para CONCERT ang dating! :)))


Ano ano pang mga bagay na makapagpapasaya sa akin? Madaming bagay sa mundo na akala mo kapag nakuha mo ay magiging masaya ka na. Madaming bagay na akala mo yun yung lubusan makapagpapasaya sayo, hindi pala. Minsan, magugustuhan mo ang isang bagay dahil sa ganda at garbo nito ngunit hindi lamang yun ang batayan upang masabi mong MASAYA KA NA DOON.
Sa buhay, madami tayong hinahangad kaakibat ng ating walang hanggang pangagailangan at limitadong yaman. Dapat isipin natin na hindi lamang tayo ang tao sa mundo. Madami ding naghahangad ng gusto nating makuha.
“Ang buhay ay parang Quiapo, madaming snatcher. Maaagawan ka, lumaban ka!” Dapat lamang ipaglaban mo kung ano talagang makapagpapasaya sa iyo. Halimbawa, sa course sa college. Dapat kung anong gusto mo, yun ang kunin mo. Pupwedeng mag-mungkahi yung mga magulang mo pero ang desisyon ay nasa kamay mo parin. Hindi naman sila yung mag-aaral nung course na yun eh, bakit sila yung mamimili?
Ang sinasabi ko lang, gawin niyo ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa inyo. Sobrang ikli lang ng buhay para mag-aksaya ka ng oras, lakas, pagod at panahon sa mga bagay na walang kakwenta kwenta. Kapag gusto mo, gawin mo. Siguraduhin mo lang na wala kang naaapakang tao.


















