Topo
Graduation Day!!

Pre-graduation rituals. HAIR & MAKE-UP.

As you can see, nagpakulay ako ng buhok. Nagulat nga mga kaklase at teachers ko eh. Sa una, natakot talaga ako baka pagalitan ako ng principal namin kasi nga nagkulay ako ng buhok. PERO OKAY LANG :) Graduate nanaman eh. Ang ganda pala ng make-up ko care of (c)Johann Bush.

Nasa Cuneta Astrodome na kami around 2:30pm. Kaso hinintay pa si Mayor Tony Calixto kaya nag-start kami ng mga 4pm na. Ang galing ‘no?

Ayan na, dumating na sila. Kasama pala si Congresswoman. Ms. Pink yan eh :) (R-L) Mrs. Tonel (Principal) Dr. Puti-an (Superintendent) Mayor Calixto & Congresswoman Rubiano.

Iyakan moments na! Ayan ang mga close friends ko, and my lovely advicer (yung naka pink) Si MA’AM MIRMO :)

Kainan na! @HongKongLion Resto. 

Baccalaureate Mass.

Ang aga aga kong gumising para lang ma-plantsa yung buhok ko kasi isang special day ito para sa aming mga graduating students. Kailangan daw kasi maayos yung mga itsura namin kasi haharap daw kami kay God kaya dapat super presentable namin sa kanya. Nagpa-gupit pa nga yung mga boys namin sa room kasi papagalitan sila kapag mahaba yung buhok nila. 

Naglakad kami from school to San Roque Church. Malapit lang naman yung school namin kaya doon kami nag-mass. Naglakad ako with Cedlyn at with matching payong pa. First time ko sa church na yun at nagandahan naman ako doon sa mismong structure. Ang laki nung altar tapos madami pang seating kaso aalog-alog kami dun kasi 100+ lang kaming nandoon.

TLC. Ayan, kami yung magkatabi sa upuan. Siyempre, bago mag-mass, todo asaran kaming tatlo. Noong una, inaasar namin si Kristia (right most) kay Cedric (Mamaya ituturo ko) kasi sila yung magkatabi. Lalo namin silang sinisiksik kasi nakakatuwa yung mga reaksyon nila.

Ayan, kaming lima yung nagkukulitan sa church. Si Cedric (yung katabi ni Cedlyn) at saka si Raymond (yung katabi ni Cedric na crush naman ni Cedlyn) yung dalawang pilyong kinukulit din kaming tatlo. Gusto akong gantihan ni Raymond kasi pinagtabi ko sila ni Cedlyn nung una. Ang ginawa niya, tinago niya yung bag… NI CEDLYN. HAHA. Hindi niya kasi alam na hindi ko bag yun kaya yun yung tinago niya. Ayun, sobrang laughtreep.

Pasimula na yung mass niyan eh. Hindi ba nakakainis yung magpipicture ka kasama yung bestfriend mo tapos may mga taong sisingit na akala kasama sa picture? Nakakaasar sobra! Pero, sabi nga ni Father bago magcommunion, dapat daw makipag-“peace be with you” ka sa mga taong gusto mong i-peace be with you kung ayaw mo magsisi habang buhay. At feeling ko magsisisi nga ako. 

Btw, eto pala yung mga naaalala ko sa homily ni father

  • Matuto tayong maghintay
    Kung para sa atin ang isang bagay, makukuha natin kahit na anong mangyari kasi kung dapat mangyari yan ay nakay God na ang desisyon. Kailangan lang nating paniwalaan na pinakamabisa ang lahat ng kanyang plano
  • Maghirap bago Magpasarap > Magpasarap bago Maghirap
    Mas mabuting magsikap ka munang mag-aral nang sa ganun ay mas maganda ang kinabukasan mo kesa magpatumpik-tumpik ka ngayon at hindi na alam kung saan pupulutin pagdating ng panahon. Mas gugustuhin mo pang maghirap ngayong nag-aaral ka kesa hindi ka nga maghirap pero buong buhay mo namang pagsisisihan yung  magpapasarap mo habang nag-aaral ka
  • Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay
    May kaklase daw si Father dati na siya yung pinakamahirap sa klase nila noon. Ngayon, doktor na daw na nagtapos sa UP. Hindi talaga natin alam ang magiging kinabukasan natin, ang Panginoon lang. AT ito ang favorite quote ko: “Hindi kasalanan ang ipanganak kang mahirap, ang kasalanan ay ang mamatay kang mahirap” - Dahil hindi ka nagsikap upang umahon sa buhay. 
  • Enjoyin ang pagka-single
     
    Basta magpakasarap ka muna. Hindi porket single ka hindi ka na masaya. Dapat sulitin mo kasi sandali ka lang magiging single. Kapag nag-asawa ka na, till death do us part na yan. Magsasawa ka din sa asawa mo balang araw kaya magpakasawa ka muna sa sarili mo. At hindi mo maibibigay ang buong buo mo sa taong mahal mo kung hindi mo ibinibigay ang sarili mo sa iyo. Tanong mo, paano kung malagpasan mo yung chance na mapakasalan ang taong gusto/mahal mo. Ang sagot naman diyan ay KUNG MAHAL KA TALAGA NIYA AY KAYA NIYANG MAGHINTAY.
NAKAKAHIYA [PERIOD]

Pakantahin ka ba naman ng PASAY CITY HYMN sa buong fourth year population and advisers. SINO BA NAMANG HINDI MAHIHIYA?

Audition daw para kung sino yung kakanta sa graduation. Buti na lang at may mas magaling pa kaya siya yung napili.

Isa pang nakakahiyang bagay, yung nangyari samin. Nakakwentuhan ko si SASA (therezuhh) kanina sa graduation practice. Ang dami ko palang hindi alam. Kung nalaman ko kaya yun, may nagbago kaya?

Guise, para sa inyo. Kunwari, may dalawang may gusto sa inyo… Anong gagawin mo, pipiliin mo kung sino talaga yung gusto mo o hindi ka na lang pipili para walang masaktan?

Me with #drop-deadalleycat
Buong araw kami ang magkasama. Magkasamang pinalayas sa Faculty. Magkasamang matulog sa E-learning. Magkasamang masigawan ni “You KNOW WHO”. 
Lagi kaming magkasama niyan ni BESS. Twins nga kami niyan eh, ako si BETTE at siya si BADETTE. :))) Super dami naming pictures together. VAIN LANG DIBUH!
Mamimiss ko siya sobra. Yung mga chikkahan namin tungkol sa mga nakaka-lurkey naming mga lovelife. Yung mga laitan moments tungkol sa mga nagkaka-crush sa mga crush namin. Yung mga hampasan events tuwing kinikilig ang isa (Or baka ako lang pala). Basta, mamimiss ko siya.

Me with #drop-deadalleycat

Buong araw kami ang magkasama. Magkasamang pinalayas sa Faculty. Magkasamang matulog sa E-learning. Magkasamang masigawan ni “You KNOW WHO”. 

Lagi kaming magkasama niyan ni BESS. Twins nga kami niyan eh, ako si BETTE at siya si BADETTE. :))) Super dami naming pictures together. VAIN LANG DIBUH!

Mamimiss ko siya sobra. Yung mga chikkahan namin tungkol sa mga nakaka-lurkey naming mga lovelife. Yung mga laitan moments tungkol sa mga nagkaka-crush sa mga crush namin. Yung mga hampasan events tuwing kinikilig ang isa (Or baka ako lang pala). Basta, mamimiss ko siya.

YEY. TAPOS NA AKO MAG-CONFIRM :)

Patunay lang na mag-UP talaga ako.

Periodical Test

Huhuhu. Huling periodical test na ito ng buhay ko sa Monday-Tuesday. Sa susunod na mga ganyang pagsusulit, MID-TERMS at FINALS na ang tawag dun.

LAST HIGH SCHOOL ID :(((

LAST HIGH SCHOOL ID :(((

Follow your dreams di ba?

Kung may Nursing lang sa UPLB eh.


:”»>

I haven’t been to UP Manila.

UP Diliman, yes I have been there because of the UPCAT. And swear to God I have said that I never want to go there again because of the distance from there to our house. But unfortunately, we are required to go there on June 11 (First day of classes)

I have been to Padre Faura because we where drop there by the Jeepney when we where going home from Sta. Ana Manila. But I didn’t knew that UPM was located there. 

Well, I shouldn’t nag about that anymore since I will be seeing that this June. I hope the next four years of my life there will be a blast.

Mga pagbabago sa College
  1. Siyempre iba na yung papasukang school.
    Kung dati, nilalakad ko lang yung Pasay Science, ngayon siguro mararanasan ko nang araw araw makipagsiksikan sa LRT para lang makarating ng UPM.
    Baong environment din kasi hindi na yung mga mahal mong mga kaklase yung makikita mo araw araw. Ako, sanay ako na tatlo lang section ng batch namin at kakaunti lang ang estudyante sa school. Baka magulantang ako doon sa dami ng college people. 
  2. Iba na yung Uniform
    Actually, wala nga atang uniform doon eh. Pero baka meron kasi Nursing yung kukunin kong course. Bagong uniform nanaman. Mamimiss ko yung Green skirt ko.
  3. Bagong section
    Hindi na kasing dali isulat ang section ngayon. Dati, IV-Einstein lang. Baka doon, parang bar code na yung section sa haba. 
  4. Study habits
    Siyempre, UP YUN! Hindi pwedeng papetiks-petiks doon kung ayaw mong mapahiya. Science High ako ngayon at ramdam ko na yung mga mabibigat na pasanin ng mga school works. Naiimagine ko na yung eyebags ko ay ti-triple sa susunod na school year.
  5. Schedule ko
    Sabi nila, hawak mo daw yung oras mo sa College. Ikaw ang bahala kung papasok ka sa subject mo na yun o hindi. Ewan ko, siguro gagana yung time management skills ko

Ayun, mixed emotions sa pag-enter sa college. Masaya kasi bagong experience, malungkot kasi magkakahiwalay hiwalay na kayo ng mga high school buddies mo. Sana, maging masaya ako sa UP Manila (College of Nursing). Kabado ako kasi alam kong mahirap pero sana kayanin ko naman. 

May kaklase akong Excited.

Nakalagay sa Profile niya sa FACEBOOK. Studied, ganyan ganyan in UP ganyan ganyan.

AHHAA. Hindi pa nga kami gumagraduate eh :))) 

Kanina sa bahay. Gumagawa kami ng Junk Art ni Kim and Reigna (drop-deadalleycat) dito sa bahay namin. Notice the picture on the background? Graduation picture ko yan when I was in Kindergarden. May yellow medal pang kasama, saan ka pa?
Puro kwento nga lang ginawa namin kanina eh. Hindi kasi namin alam kung anong gagawin doon sa mga plastic cups para sa junk art namin (courtesy of 711 in partnership with Coke 100 years of happiness). So, we decided to make a lamp out of those plastic cups. Malapit na kaming matapos, lalagyan na lang ng bulb bukas.
Pagbaba namin, kumain kami ng afritada and luncheon meat. Tapos nag-kwentuhan and nanood ng laban ng Askalz sa Malaysia.

Kanina sa bahay. Gumagawa kami ng Junk Art ni Kim and Reigna (drop-deadalleycat) dito sa bahay namin. Notice the picture on the background? Graduation picture ko yan when I was in Kindergarden. May yellow medal pang kasama, saan ka pa?

Puro kwento nga lang ginawa namin kanina eh. Hindi kasi namin alam kung anong gagawin doon sa mga plastic cups para sa junk art namin (courtesy of 711 in partnership with Coke 100 years of happiness). So, we decided to make a lamp out of those plastic cups. Malapit na kaming matapos, lalagyan na lang ng bulb bukas.

Pagbaba namin, kumain kami ng afritada and luncheon meat. Tapos nag-kwentuhan and nanood ng laban ng Askalz sa Malaysia.

Layouting Demo.

Sobrang biglaan ito. Grabe, parang kanina lang sinabi na magde-demo ako sa mga first year sa school. Sabi nila tuturuan ko lang daw sila nung basics. HAYZ Sana makaya ko tomorrow. EXCUSED nanaman ako.


1 2 3 4 5 6 »
Paper Edge
Design by Athenability
Powered by Tumblr