
Kagabi lang, nag-eemote ako dito sa tumblr. Na kesyo hindi ko na siya mahal, may iba na ako, blah blah this blah blah that…
pero konting pagpapa-cute lang niya sakin kanina parang tanga na ako. Ganito kasi yung nangyari kanina:
- Pumunta kami sa malapit na mall ng kaibigan ko.
- Nagpagabi kami
- Wala kaming payong
- Saktong biglang umulan
- Napunta kami sa may LRT
- Magta-tricycle na kami
- Naisip naming mahal
- Tumakbo kami’t nagpaulan
- Pagkadaan sa tindahan, nandun pala siya
- Habang natakbo kami, bigla siyang sumigaw
“WAG KANG MAGPAULAN LAIRE!” - Charotera si Atey.
Haynaku. Buhay nga naman. Minsan It’s totally unpredictable talaga.
Ayon.
Baliw na ata ako eh. Ang sarap pala ng feeling na naka-move on ka na talaga.
I was looking at his pictures in FB then It came to me…
- Okay kaya siya?
- Ano kaya nangyari kung sinagot ko siya?
- Mahal pa kaya niya ako?
Pero ngayon ang naisip ko nalang…
- Mahal ko pa ba siya?
- Buti na lang hindi ko siya sinagot.
- Okay na ako. :)
Ang saya saya ko talaga.
Hindi ko na siya iniiyakan. Ayos na ako kahit ilang girlfriend ako gusto niya. Ayos lang na sila ulit nung ex niya. Ayos lang na naninigarilyo pa siya. Ayos lang na nilulunod niya yung sarili niya sa alak. Ayos lang na hindi ko siya makita. Ayos lang na hindi ko siya maka-usap. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ko na din siguro siya kaibigan kasi hindi ako naniniwala na Love can go back to friendship again. Bakit? Kasi wala na akong paki-alam sa kanya.
Gusto ko lang magpasalamat sa kanya kasi napasaya niya yung buhay bata ko. Masaya ako na naging first love ko siya at sa kanya ako natutong mag mahal, masaktan at mamuhay muli.
Life goes on! Hindi titigil ang mundo ko kapag sinabing hindi na niya ako mahal. Hindi din ito hihinto kapag iniwan niya ako. I don’t deserve him and he doesn’t deserve me either so therefore I conclude that we’re not meant for each other.
Siguro dumaan lang talaga siya sa buhay ko para may matutunan ako. Hindi ako nanghihinayang na we’re not made for each other. May tiwala naman ako kay God na may mas perfect pa sa kanya para sakin. At habang buhay kong i-aacknowledge ang presence niya sa buhay ko.
Thank you Lord!
- Laire Lagas: wait lang
- Laire Lagas: kain lang ako
- Laire Lagas: di pa ako nakain
- Him: aw
- Him: kainin mo ko
- Laire Lagas: pede!
- Him: oo
- Him: basta ikaw
- Him: hahaha
- Him: malakas ka skin e
Since then yan na ang song na idededicate ko kay Mr. M. Epal kasi siya. Hindi ko siya makalimutan, hindi ko siya maiwan at hindi ko siya kayang hindi na mahalin. Kung maibabalik ko lang talaga yung panahon, ibabalik ko ito sa time na unang magkakilala kami. Dapat simula noon nag-uusap na kami ng personal. Sana nagbago na lang yung ikot ng mundo. Sana balang araw, maging masaya din ako.
Pero, parang imposible na ang pinapangarap ko.
“Pakasal na tayo” — Mr. M

Epal. Pampa-macho daw. Kainis!
Bwisit na bwisit talaga ako kapag naninigarilyo si Mr. M. As in nanggagalaiti ako kapag nagyoyosi siya. Kung girlfriend niya lang ako papatigilin ko talaga siyang mag-yosi at mag-nomo. Kung gusto na niya mamatay sana sinabi niya sakin. Lalasunin ko na siya para di na niya sirain yung baga niya.
Kaso di niya ako GF eh. La akong karapatan :(
Pagkagaling namin sa MOA (bumili kasi kami ng school shoes), Tambay agad ako sa labas kasi naghahanda mga friends ko sa Santacruzan today. Tapos Si Coco (not his real name) nakita nanaman ako. Sabi daw, “oh Laire, Kasali ka bukas?” sabi ko “Hay naku, hindi ah!” tapos sabi niya “Eto, may sasakyan ka na.” Sabay turo sa lumang pedicab. “Che!” ang sinabi ko.
Tapos sabi niya “Ayon oh, may escort ka na” tapos si Tracy (Not his real name either) sumisigaw. “Laire! andito na si *toot* (Mr. M)”. Ed Super nakakahiya to the highest level di ba?
Then, sabi ni Coco kay Mr. M: “Halika dito! Puro ka kaway diyan. Lapitan mo.”
“Asan na yung arko niyo? :-))” sabi ni Coco. Tapos tinuro ni Tracy “Ayun oh, yung arko ng barangay” Ed Laughtrip nanaman.
Too bad sasamahan ko yung friend ko sa Lianas. Pero Super KV talaga kagabi.
Naalala ko nanaman yung sinabi niya sakin nung dapat mag-sswimming kami.
Common friend: Para payagan ka, isama mo si MJ (my little brother)
Ako: Eh, ako pag-aalagain mo niyan?
Mr. M: Para saan pa ako di ba?
Ako: Lulz
ANO BAAAAAAAAA! kung kelan kinakalimutan kita chaka pa kita naaalala. PAKSHEET.
Nasa swimming daw kami ni Mr. M tapos nag-spin the bottle kami. Eh sa kanya natapat. Sabi ng mga kalaro namin,”Kiss mo nga si Laire.” tapos sabi niya ” Eh ayoko, magalit pa sakin yan.”…
Siempre pag pumayag ako agad magmumukhang ako yung may gusto, ang sinabi ko na lang “Mag-jak en poy kayo” sabay turo sa dalawang kalaro tapos binulung ko kay Mr. M “kapag yung naka-puti yung mananalo, pwede mo akong ikiss. Pero kapag yung naka pula…
…. ulitan :”»”
Bakit tagos to the bones tong kantang ito sakin? Itong ito yung mga ginawa o naramdaman ko. Bakit nga pala ako sa iyo nagkagusto?
Bakit akala nila madami akong lalaki? Ang gulo nga nila eh. Pinipilit nila na madami akong boyfriend. Yung mama ko, tuwing may lalaking kakausapin ako na sa tingin niya ka-age ko lang iisipin niya kagad boyfriend ko yun. Si Mr. M, akala niya ang dami dami kong tinetext eh text niya lang naman yung inaasam asam ko. Dati kasi, nag-gm ako sa kanya na may nakalagay “Boys are my toys” tapos nag-PM siya sakin. “Buti na lang hindi kita niligawan, gagawin mo lang pala akong laruan”. Na-sad ako dahil dun… kung alam niya lang na pag-naging kami, siya’t siya lang ang mamahalin ko ng 101%. Duwag siya eh, Naiintindihan niya na mahal ko siya pero sa tingin ko hindi siya naniniwala.
Ansakit ng katawan ko grabe. Feeling ko kanina magkakasakit ako eh. Nakakapagod pero masaya naman yung birthday ko. Sayang nga lang na hindi pumunta si Mr. M miss na miss ko na siya kaso di naman siya pumunta. Naisip ko na lang “Paano kaya kung pumunta siya?” Eto yung mga bagay na naisip ko:
- Yung mga nakakakilala sa kanya pipiringan daw ako tapos sasabihin nila “Laire! may regalo ako sa iyo” tapos sasabihin ko “Bakit kailangan may piring pa? wala bang balot yan?” tapos pinalabas daw nila ako, hinawakan niya yung kamay ko tapos nakilala ko siya bigla bigla ko daw niyakap….
- Nasa CR daw ako, tapos may naiihi din daw. Sabi daw “Laire! naiihi ako…” sabi ko naman “Saglit lang!” Eh di nagmamadali akong lumabas… Yun pala nakatayo siya sa may kusina tapos hinihintay niya ako.
- Last, pumunta daw siya na may tatlong regalo. Isa sa akin, isa kay mama at isa sa kapatid ko. Bwahaha. tapos sabay daw kaming kumain sa kusina. Basta daw ang sweet sweet namin….
// Wild ng imagination ko ‘no?
One night, tinawag ako ng common friend namin. Sbe sakin “Fabs! Halika nga dito…”. Pupunta sana ako sa best friend ko kaso wala siya kaya pinuntahan ko yung tumawag sakin. Laking gulat ko, nandun pala si Mr. M (itago na lang natin siya sa pangalang iyan)…
Then bigla niya akong kinausap. HIMALA!
Never niyang ginawa sakin yun. Sa tatlong taon naming magkakilala… first time naming magkasama at magkausap kasama ng mga barkada niya. Kinuha niya number ko (sa globe) tapos may kasama pang akbay :”»>
pero ang naalala ko lang talaga sa mga panahong ito, yung bigla niyang tinanong “Hindi ko to pinapansin dati eh. Hindi ko rin kinakausap. Laire, mapapatawad mo pa ba ako doon?”
// It’s too late to apologize… XD
Haha. It’s May 14 2011!
Para sa taong pinakamamahal ko,
Oo ikaw yun! Ikaw na nagbabasa nitong post na ito. Ayoko na ibulgar pangalan mo dito, baka may umagaw pa sayo. Sana hindi lang ako ang napapasaya ng post na ‘to, sana ikaw rin.
Wala ka ba talagang matandaan last year? Same date, same time & same place? Well anyways, wala na sakin yun. Ngayon, wala na akong ibang madama kundi sobrang kasiyahan. Masaya ako dahil nandito ka parin, kinakausap mo na ulit ako. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya sa tuwing nagrereply ka sa chat ko sa Y!M, sa mga text ko at sa tuwing nakikita kita. Makita lang kita buo na araw ko. Sobra mo pala akong napangiti nung binati mo ako ng advance happy birthday.
Sorry kung ganito parin ako. Madrama, abnormal, baliw, may sayad etc. Eh ganito ako eh. Di ko na ata mababago yun. Sorry kung lagi kitang kinukulit, iniisnob, sinusungitan atbp. Pero yun lang naman kasi yung gusto ko all these 3 years that I have been (and still am) loving you, ang pagmamahal mo.
Pasensya na kung kinukulit nanaman kita, pagbigyan mo na Birthday eh. Gusto ko lang ipaalam sayo kung ano talaga ang gusto kong sabihin na hindi ko magawa harap harapan.
Napagtanto ko na wala na pala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta gusto ko lang sabihin na mahal na mahal po kita. Ilang beses mo na narinig sakin yan pero hinding hindi ako magsasawang sabihin yan hangga’t hindi mo pinaniniwalaan na kahit anong gawin mong masama sakin, kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit ayos lang, Eh kasi mahal kita eh.
Ayos lang if you don’t love me anymore, tanggap ko na eh. Basta wag mo lang kalilimutan na hinding hindi ko pagsisisihan na minahal kita ng bonggang bongga.
I love you ♥ at happy birthday ulit sakin. :>
Nagmamahal ng sobra,
Fabbette Laire Balahan Lagas-H. <3









