
OUCH?
Marami sa atin ang ganyan. Best friends, best friends kuno. Mahirap magpanggap na mahal mo yung isang tao, ngunit mas mahirap magpanggap na hindi mo pala siya mahal. Kahit na sabihin mo ng kaibigan na lang ang turing mo sa kanya, mahirap parin eh. Sa bawat kilos, salita, gawain na gagawin niya eh apektado ka parin. Hindi parin bumabalik yung FRIEDSHIP STATUS NIYO bago mo narealize na mahal mo na pala siya.
Kaibigan na lang ba talaga?
Bakit nga ba hinahayaan ni Lord na mainlove ka sa isang tao kung hindi naman pala siya para sa iyo?
May cycle ang isang typical love life. Una, magkakakilala kayo (or if matagal na pala kayong magkakilala ay magkikita kayo after ilang years). Tapos, kapag na-attract kayo sa isa’t isa, o kahit isa lang sa inyo, ay madalas na kayong magkikita, magkakausap, magkaka-text or chat, in short, magkakaroon kayo ng foundation through communication. Kapag na-inlove na kayo sa isa’t isa, andyan na yung pagliligawan, pagbibigay ng mga cheesy love letters (or love text kasi hindi na uso ang letters), pag sasabi ng “Mahal kita o I love you” hanggang maging kayo na. Sa umpisa, okay masaya. Masaya hanggang magkaroon na ng problema yung relasyon niyo. Diyan na unti-unting nawawala yung communication, yung trust and yung love. Eh di mag-bbreak na kayo (Break-up hindi yung sa recess ha!). Then after three months or so, makakakilala ulit kayo ng bago and the cycle goes on.
(Para sa akin) Bihira lang talaga yung first and last love. Ewan ko kung tama yung palagay ko. Iba na kasi yung mundo ngayon eh. Masyado nang komplikado. Modern na kasi. Bibihira na lang talaga ang matitinung tao sa mundo, yung mananatiling loyal, faithful and loving sa kanilang partner.
So ayun nga, cycle siya. PAULIT-ULIT! Paulit-ulit kang nahuhulog sa maling tao, paulit-ulit kang nahihirapan, paulit-ulit kang nasasaktan. Pero bakit nga ba ibinibigay ni Lord sa ating ang isang tao kung hindi naman pala siya sa iyo? Kung hindi naman pala kayo para sa isa’t isa? Kung hindi naman siya yung “soulmate” mo, ika nga.
Siguro, ibinibigay sa atin yan ni Lord na will serve as our training ground. Sa taong yun tayo matututo ng isang specific na moral tapos sa ibang tao naman matututunan yung iba. Ibinibigay na challenge sa atin ni Lord kung ano mang mga pagsubok o problema ang kakaharapin natin kasama nung taong yun at ite-test niya kung kakayanin niyo ba ito o hindi. Gusto lang sana niya taong matuto tungkol sa iba’t ibang importanteng bagay na dapat natin matutunan habang nabubuhay tayo nang sa ganoon, kapag nakita na natin yung taong ITINALAGA sa atin ng panginoong Diyos ay magiging handa tayong mahalin ng buong buo yung taong yun at makasama siya ng habang-buhay.























